Tiwala si Deputy Speaker Rufus Rodriguez na kayang tapusin ng Kongreso ang Economic Charter Change bago matapos ang taon.
Ayon kay Rodriguez, maaari pa ring tapusin ng Kamara at Senado ang pagtalakay at pag-apruba sa panukalang amyenda sa economic provisions ng Konstitusyon.
Sinabi ng kongresista na maaaring ituloy ang deliberasyon sa Cha-Cha sa pagbabalik sesyon sa Mayo 17.
Sa oras na maipasa ito ng Kamara ay agad iaakyat ang ipinasang resolusyon sa Senado.
Sa ganitong paraan ay mayroon pang sapat na panahon ang Senado para ikonsidera ang economic Cha-Cha.
Kumpyansa rin si Rodriguez na tatalakayin ng Senado ang panukalang amyenda sa economic provisions dahil naunang nagpahayag ang mga senador ng suporta sa Resolution of Both House No. 2 na iniakda ni Speaker Lord Allan Velasco.