Filipino-American actress na si Donita Rose, isa nang ganap na corporate chef sa U.S.

344

Isa nang ganap na corporate chef sa US-based Filipino supermarket chain ang Filipino-American actress na si Donita Rose.

Sa pamamagitan ng Instagram post ng aktres, ibinahagi nito ang magandang balita kung saan kasalukuyan siyang nasa Island Pacific, isang chain of stores na nagbebenta at gumagawa ng fresh meat, at groceries na may specialization sa Filipino cuisine.


Nabatid na una nang sinabi ni Donita na nahihirapan siyang lutuin ang kaniyang mga paboritong pagkain sa U.S. dahil sa hirap sa paghahanap ng sangkap.

Pinasalamatan naman ni Donita ang mga bumati sa kaniya at sinabing patuloy niyang ipagmamalaki ang kultura ng Pilipino hindi lamang sa U.S. kundi sa buong mundo.

Facebook Comments