Economic Cha-Cha, target isalang sa plenaryo sa susunod na linggo

Planong maiakyat sa plenaryo sa susunod na linggo ang Resolution of Both Houses No. 2 o ang panukalang amyenda sa restrictive economic provisions ng 1987 Constitution.

Ayon kay House Committee on Constitutional Amendments Chairperson Alfredo Garbin Jr., sa plenaryo ay mas mabibigyan na ng mahabang oras ang mga kongresista na mabusisi ang economic Charter Change (Cha-Cha).

Nanindigan naman si Garbin na tama ang kanilang proseso sa pag-adopt sa RBH #2.


Batay aniya sa rules ng House of Representatives at internal rules ng komite, ang panukala para sa pag-amyenda ng Konstitusyon ay maaaring idaan sa resolution of both houses.

Taliwas ito sa pahayag ni Former Supreme Court Associate Justice Adolf Azcuna na kailangan ng Joint Resolution na lalagdaan pa ng Pangulo para ito ay maisakatuparan.

Bagama’t una nang sinabi ng Kamara na iginagalang nila ang independence ng Senado at hindi nila ito iimpluwensyahan, umaasa pa rin si Garbin na bibigyan ng Senado ng tiyansa ang Economic Cha-Cha.

Facebook Comments