Sumentro sa usapin sa economic cooperation at climate change ang naging bilateral meeting nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at Canadian Prime Minister Justin Trudeau.
Ang bilateral meeting ng dalawang lider ay sidelines sa ginanap na 40th at 41st ASEAN Summit sa Phnom Penh, Cambodia.
Ayon sa pangulo, isang malaking oportunidad ito para sa Pilipinas at Canada para magkaisang magtrabaho para sa iba’t ibang larangan upang ipagpatuloy ang mas malalim ang magandang relasyon.
Tiniyak naman ng prime minister na makikiisa sya sa pagpapalakas ng economic cooperation, bumuo nang mas magandang hinaharap, manindigan para sa mga oportunidad para sa mga kababaihan, ipatupad ang pagprotekta sa karapatang pantao at paglaban sa masamang epekto ng climate change.
Naniniwala si Trudeau na sa pamamagitan ng mas malalim at magandang relasyon ng Pilipinas at Canada ay masosolusyunan ang bawat problema.
Ito ang unang pagkakataon na nagkausap sina Pangulong Marcos Jr., at Prime Minister Trudeau mula nang maging presidente si Pangulong Bongbong Marcos.