MANILA – Nakatakdang pumunta sa China ngayong araw ang ilang economic managers ng administrasyong Duterte.Layon nito na mapagtibay ang 15 bilyong pisong halaga ng pamumuhunan na napagkasunduan noong bumisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa China.Ayon sa Finance Department, kabilang sa tatalakayin ay ang government projects na nilagdaan ng dalawang bansa at iba pang panukalang proyekto gayundin ang chairmanship ng Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).Nabatid na kasama rin sa byahe si Energy Sec. Alfonso Cusi para naman plantsahin at paigtingin ang energy cooperation sa pagitan ng Pilipinas at China.Pangungunahan ni Finance Secretary Carlos Dominguez at Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia, Budget Secretary Benjamin Diokno ang delegasyon ng Pilipinas.Samantala, kinumpirma naman ni Vice Foreign Minister Liu Zhenm na muling bibisita si Pangulong Duterte sa China sa buwan ng Mayo para sa isang bilateral summit.
Economic Managers Ng Duterte Adminstration, Byaheng China Ngayong Araw
Facebook Comments