Inilahad na ng Philippine Statistics Authority Regional Statistical Services Office 1 ang kalagayan ng Economic Performance ng Ilocos Region noong 2022.
Ayon kay Atty. Sheila De Guzman, ang Regional Director ng PSA RSSO 1, base sa kanilang huling monitoring, tumaas ng tatlong porsyento (3%) ang economic performance ng rehiyon mula sa 4.6% noong 2020 at umakyat ito sa 7.6%.
Ayon pa sa kanya, 3.3% ang naging share o naidagdag ng Ilocos Region sa ekonomiya ng bansa. Nakapagtala naman ng 6.8% per capita sa Gross Regional Domestic Product kung saan nasa ikawalong pwesto ang rehiyon na pinakamataas sa buong bansa.
Ang Gross Regional Domestic Product ay isa sa pinakamahalagang aspeto na dapat nating tignan pagdating sa ekonomiya ng isang bansa. Ito ay ang kabuuang halaga ng mga produkto at serbisyo na nagawa ng isang rehiyon o bansa.
Nanguna dito ang National Capital Region, pangalawa naman ang Cordillera Administrative Region at ikatlo ang Region X.
Matatandaang noong 2022 ay nagpasa ng resolusyon ang Regional Statistic Committee na kung saan ang lahat ng Regional Lining at Local Government Unit at Private Sectors ay nagbigay ng mga datos na kinakailangan para sa 2020-2022 Gross Regional Domestic Product at Gross Regional Domestic Expenditure ng Ilocos Region at nakapagtala ang mga ito ng 96% data requirement.
Layunin ng nasabing programa na sa taong 2028 ay mapataas ang oportunidad na mapapasukang trabaho at mapabilis na mapababa ang kahirapan para sa maginhawa, matatag at panatag na buhay sa bansa. |ifmnews
Facebook Comments