MGA MAGSASAKA SA BINALONAN, NAKATANGGAP NG KAGAMITAN SA PAGTATANIM MULA SA DA

Nakatanggap ang mga magsasaka ng bayan ng Binalonan partikular na sa Barangay Sumabnit ng mga kagamitan na magagamit sa pagtatanim mula sa Department of Agriculture.
Ipinamahagi sa kanila ang mga kagamitang tulad ng modernized hydroponics at greenhouse units.
Ang modernized greenhouse ay nagtatampok ng isang controlled environment, soil-less cultivation and water-based gardening process and automated water system.

Nilalayon ng bagong yunit na magkaroon ng buong taon na produksyon ng iba pang posibleng mga gulay na may mas ligtas na produksyon ng mga de-kalidad na gulay sa mas pinaikling panahon ng produksyon.
Parte ito ng promotion ng cluster farming ng Department of Agriculture kung saan maaari itong estratehiya para mapahusay at mas mapalakas pa ang mga lokal na magsasaka sa bansa. |ifmnews
Facebook Comments