Economic plan para sa modernisasyon ng ekonomiya, inilatag ng isang kongresista

Inilatag ni Ways and Means Committee Chairman Joey Salceda ang mga prayoridad na reporma sa modernisasyon ng ekonomiya ng bansa para sa susunod na sampung taon.

Tinukoy ni Salceda sa kaniyang “20-20-20” economic plan na mahalagang matiyak ang pakikipagkumpitensya ng bansa para sa mas globalisadong ekonomiya.

Kabilang sa itinuturing na “critical goals” na dapat magawa ng bansa bago matapos ang taon ay pagtatakda sa corporate income tax sa 20%, 20 million na bago o upgraded high-skill jobs para sa mga Pilipino at pagpapasok ng 20 billion US dollars na annual Foreign Direct Investments (FDI) sa bansa.


Para makamit ito ay pinapa-aprubahan ni Salceda sa lalong madaling panahon ang CREATE o Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises.

Sa ilalim ng CREATE ay maitatakda sa 20% ang corporate income tax pagsapit ng 2027, makakalikom din ng 20 billion dolyar sa taunang FDIs at inaasahang makakahikayat ito ng mga dambuhalang investor sa bansa na makapagbibigay naman ng trabaho sa mga Pilipino.

Facebook Comments