ECONOMIC SABOTAGE | Peryahan ng bayan ng Globaltech Mobile Online Corporation, ipinasara ng PCSO

Manila, Philippines – Ipinasara ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang ilegal na operasyon ng ‘peryahan ng bayan’ ng Globaltech Mobile Online Corporation.

Idinedeklara ng PCSO ang kanilang operasyon bilang economic sabotage.

Ayon kay PCSO Nationwide Inter-Branch Security Monitoring Chief, retired marine major Manuel Fraginal, ang nasabing kumpanya ay may utang sa taumbayan ng daan-daang milyong piso.


Giit ni PCSO General Manager Alexander Balutan, hindi pinapayagan ng ahensya ang anumang kumpanya o orgranisasyon na magpatakbo ng peryahan.

Maituturing na unauthorized at ilegal ang anumang operasyon ng peryahan na walang pahintulot sa PCSO.

Hinimok ng PCSO ang Philippine National Police (PNP) na ipatigil ang lahat ng peryahan outlets.

Facebook Comments