RIDING-IN-TANDEM | 68 kaso ng pamamaril sa Metro Manila, hindi pa rin nareresolba

18

Manila, Philippines – Umaabot pa sa 68 shooting incidents na kinasasangkutan ng motorcycle riding-in-tandem suspects ang hindi pa nareresolba sa Metro Manila.

Ito ay kahit bumalik na ang Philippine National Police (PNP) sa kampanya kontra ilegal na droga.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Oscar Albayalde, mula December 5, 2017 hanggang March 13, 2018 nasa 77 kaso ng pamamaril ng riding-in-tandem ang naitala kung saan siyam lamang dito ang nalutas at nakasuhan na ang mga suspek.

Inatasan aniya sila ni PNP Chief Ronald Dela Rosa na pagtuunan ang pagresolba sa mga kaso ng riding-in-tandem.

Pero sinabi ni Albayalde, hindi pa maituturing na ‘alarming’ ang bilang ng mga hindi pa nalulutas na kaso.

Facebook Comments