Kasama ang economic team ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa delegasyon ng kanyang biyahe sa Indonesia at Singapore.
Ito ang sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesperson Ma. Teresita Daza sa kanyang virtual pre-departure briefing sa Malacañang.
Aniya, may mga kasunduang lalagdaan sa Indonesia at Singapore at kailangan ang kinatawan ng bawat ahensiya ng bansa.
Isa sa mga sentro aniya ng biyahe ni Pangulong Marcos Jr., ay economic cooperation kaya kasama ang economic team nito.
Kabilang sa delegasyon ay sina DFA Secretary Enrique Manalo; Secretary of Finance Benjamin Diokno; Trade and Industry Secretary Alfredo Pascual; Secretary of Budget and Management Amenah Pangandaman; Secretary of National Economic and Development Authority Arsenio Balisacan; at Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Felipe Medalla.
Dagdag pa ni Daza na batay sa kanilang impormasyon maraming inihandang business agreements na pipirmahan sa nabanggit na dalawang bansa na may kinalaman sa imprastruktura, renewable energy, food and security, fertilizer, importasyon at iba pa.