DOH, nakapagtala ng 2,452 na bagong kaso ng COVID-19 kahapon

35

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 2,452 na bagong kaso ng COVID-19 kahapon dahilan para umakyat na sa 3,886,395 ang nationwide tally ng bansa sa sakit.

Sa naturang bilang, 3,800,782 rito ang gumaling na habang 23,703 ang aktibong kaso o nagpapagaling pa sa sakit.

Umakyat naman sa 61,910 ang kabuuang bilang ng nasawi sa COVID-19 matapos madagdagan ng 46 new COVID-19 related deaths kahapon.


Facebook Comments