Hindi magpapaka-kumpiyansa ang economic team ng administrasyon sa mas maganda pang estado ng inflation rate, na naitala nuong isang buwan na bumaba pa sa 4.1%.
Sa pahayag ng National Economic and Development Authority (NEDA) na inilabas ng Presidential Communications Office (PCO), sinabi nitong patuloy silang magbabantay sa galaw ng inflation sa harap na rin ng nananatiling price pressures na nanggagaling sa iba’t ibang mga factors.
Kabilang dito ang geopolitical tensions, sa harap na rin ng patuloy na sitwasyon sa pagitan ng Ukraine at Russia kasama pa ang mga nagaganap na extreme weather situations dahil sa climate change.
Maliban pa dito, ay kasama rin sa pagbabantay at mi-no-monitor ng gobyerno ang galaw ng presyo ng mga produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado.