Persons of interest sa MSU bombing, apat na ayon sa PNP

Maliban sa 2 tukoy na persons of interest (POI) ng Philippine National Police (PNP) na may kaugnayan sa pagpapasabog sa Marawi State University (MSU) noong Linggo ng umaga.

Mayroon pa umanong dalawang kasabwat ang mga ito na nagsilbing look-out.

Ayon kay PNP PIO chief PCol. Jean Fajardo, ang 2 POI na tukoy na ang pagkakakilanlan ay positibong kinilala ng mga testigo.


Ani Fajardo, nagpakita ang mga awtoridad ng mga larawan sa mga testigo o yung mga nagsimba noong maganap ang insidente at kanila itong positibong tinukoy.

Sa ngayon, hindi muna nila maaaring isapubliko ang pagkakakilanlan ng mga suspek hangga’t nagpapatuloy pa ang imbestigasyon.

Ang mga ito aniya ay may kaugnayan sa isang local terrorist group sa Mindanao na mayroon nang kasong kriminal na kinasasangkutan.

Facebook Comments