ECOP malaki ang nakikitang pag-asa sa papasok na Marcos administration

Malaki ang tiwala ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP) sa Marcos administration.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni ECOP President Sergio Ortiz-Luis na malaki ang pag-asa nila sa mga economic managers ng papasok na administrasyon.

Ayon kay Luis, kilalang magagaling ang economic managers ng Marcos administration na napili hindi lamang dahil sa political basis.


Naniniwala rin ito na kahit ano pa mang problema o pagsubok ng bansa ay malulusutan basta’t magagaling ang mga namumuno.

Una nang kinumpirma ng incoming administration na kabilang sa mga bubuo sa kanilang economic managers ay sina Arsenio Balisacan na magsisilbing pinuno ng National Economic and Development Authority (NEDA) habang si outgoing Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno ang magiging bagong Finance secretary at si Alfredo Pascual naman ay pamumunuan ang Department of Trade and Industry (DTI).

Facebook Comments