Ecowaste Coalition, may bagong panakot ngayong Undas 2017 para sa mga mahilig magtapon ng basura sa mga sementeryo

Manila, Philippines – May bagong panakot ngayong Undas 2017 ang isang grupong makakalikasan para sa mga walang pakundangan na magtapon ng basura sa iba’t ibang sementeryo sa Metro Manila.

Nilikha ngayon ng Ecowaste Coalition si Halloween Plastic Monster, isang taon na binalutan ng sari-saring basura na mag-iikot sa mga sementeryo para ipaalala na dapat ay gunitain ang Undas na “waste-free, toxic-free.”

Noong nakaraang Undas ang sementeryo sa Bagbag, Quezon City ang tinanghal na pinakamaruming sementeryo sa pagtatapos ng Undas.


Nasa sampung truck ng basura ang nakolekta ng Eco Waste Coalition mula October 31 hanggang Novermber 2 noong 2016.

Facebook Comments