Nagbabala ang isang environmental group sa publiko laban sa pagbili ng mga unauthorized at unlabeled Labubu-inspired items na nagkalat ngayon sa merkado.
Ayon sa Ecowaste Coalition, naobserbahan nila ang paglipana ng mga nasabing produkto partikular sa Divisoria, Maynila na kilalang bilihan ng mga murang laruan.
Sa 42 Labubu-inspired items na binili ng grupo gaya ng dolls, stuff toys, key chains, phone accessories, stickers, at wallet ––– lima lang ang may label.
Walo naman ang nakitaan ng lead na isang nakalalasong kemikal; 24 ang may polyvinyl chloride (PVC) plastic na kadalasan ding naglalaman ng napakaraming chemical additives.
Facebook Comments