Pinag-iingat ng EcoWaste Coalition ang publiko sa pagbili ng lucky charms para sa nalalapit na Chinese New Year celebration dahil posibleng naglalaman ito ng nakalalasong kemikal o materyal.
Ayon kay EcoWaste Chemical Safety Campaigner Thony Dizon, may ilang lucky charms na mayroong presensya ng cadmium – isang kemikal na maaaring magdulot ng cancer.
“We caution consumers from buying and wearing lucky bracelets with ox components that are often made of cadmium alloy,” babala ni Dizon.
Dagdag pa ni Dizon, ang mga produktong may cadmium ay ilegal na ibenta lalo na sa Europe.
Dapat ilayo ito sa mga bata lalo na posible nilang paglaruan ito o ilalagay sa bibig.
Ang cadmium ay kabilang sa 10 chemicals ng World Health Organization (WHO) na mabanganib sa tao.
Ang cadmium ay kasama sa Priority Chemicals List ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na bantay sa kalusugan ng publiko, kalikasan at workplace.