EcoWaste Coalition, pinag-iingat ang publiko sa pagbili ng toxic piggy banks and decors

Manila, Philippines – Pinag-iingat ngayon ng EcoWaste Coalition ang publiko sa pagbili ng lead-glazed o lead-painted piggy banks at iba pang pig-inspired decorations sa paggunita ng Chinese New Year simula bukas Pebrero 5.

Naglabas ng babala ang EcoWaste Coalition matapos kakitaan sa isang pagsusuri na may mataas na lead content ang tatlo sa sampung pig-inspired coin containers na binili sa mga retailers sa Makati, Manila at Quezon City.

Ayon kay Thony Dizon, ang Chemical Safety Campaigner ng EcoWaste Coalition, ang lead exposure ay panganib sa mga kabataan lalo na pag ito ay mabasag.


Lahat ng sampled products ay wala ding labels at impormasyon tungkol sa chemical composition.

Facebook Comments