Nasawi sa nangyaring pagsabog sa Jolo, Sulu cathedral, nadagdagan pa

Sulu – Umabot nasa 23 indibidwal ang nasasawi kasunod ng naganap na pagsabog sa Jolo Sulu Cathedral.

Batay ito sa pinakahuling datos ng Philippine National Police.

Anila ang mga ito ay 16 na sibilyan, Anim na sundalo at isang miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG).


Kinilala ang isa sa nadagdag na si Oscar Asares, 60 anyos, sibilyan na namatay nitong February sa Zamboanga City Medical Center

Nanatili namang ginagamot ang 11 sundalo sa JTF trauma Hospital at isang sibilyan sa Sulu Hospital.

37 naman sa mga sugatan ay inilipat sa Zamboanga City Hospital.

Habang 22 sibilyan at dalawang pulis na sugatan ang agad na pinalabas ng ospital matapos na matiyak na ligtas na ang mga ito.

Facebook Comments