Manila, Philippines – Muling hinikayat ng EcoWaste Coalition ang publiko na gumamit ng mga alternatibong pampaingay sa pagsalubong ng Bagong Taon sa halip na mga paputok.
Ayon kay Thony Dizon, chemical safety campaigner ng grupo, bukod sa delikadong gamitin, itinuturing din ang mga paputok bilang air pollutants o nagdudulot ng polusyon sa hangin at hazardous waste o basurang may peligro sa kalusugan at kapaligiran.
Aniya, mas mainam na gumamit na lang ng mga alternatibong pampaingay gaya ng mga takip ng kaldero at mga lata na nilagyan ng bato.
Facebook Comments