ECQ, IPATUTUPAD MULI SA TUGUEGARAO CITY

38

Cauayan City, Isabela- Muling ilalagay sa sampung (10) araw na Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang Lungsod ng Tuguegarao simula sa araw ng Huwebes, Agosto 12, 2021 hanggang Agosto 21, 2021.

Ito’y matapos magdesisyon ang Regional Inter Agency Task Force na isailalim muli sa pinaka-mahigpit na quarantine classification ang Lungsod.

Bunsod na rin ito ng lumalalang kaso ng COVID-19 na naitatala sa Lungsod dahil sa hindi mapigilang pagkalat ng virus.


Ang Tuguegarao City ay itinuturing ng epicenter ng COVID-19 sa rehiyon dos dahil sa mataas na kaso ng mga nag popositibo.

Sa kasalukuyan, mayroong 635 active cases ang Tuguegarao City na kung saan nakapagtala ng 17 death case sa loob lamang ng siyam (9) na araw.

Facebook Comments