Mahigit 2-M COVID-19 vaccines, darating ngayong linggo

Mahigit dalawang milyong COVID-19 vaccines ang nakatakdang dumating ngayong linggo.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang 813,150 doses ng Pfizer vaccine ay dadating bukas, Agosto 11.

Habang darating naman sa Agosto 12 ang dalawang milyong doses ng Sinovac.


Sa kabuuan, mahigit 38 milyon na ang mga bakunang dumating sa bansa.

Facebook Comments