Maganda ang resulta ng intervention ng national government sa Cebu City pagdating sa COVID-19 response.
Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Leopoldo Vega, unti-unti nang napapabagal ang transmission ng COVID-19 sa siyudad.
Ito ay bunga na rin ng mas mahigpit na pagpapatupad ng quarantine protocols at kooperasyon ng mga Cebuano.
Samantala, ang pinaghahandaan nila ngayon ay ang posibilidad na pagbubukas ng ekonomiya kung saan marami na ang lalabas para maghanapbuhay at dapat ito ay kayang tugunan ng kanilang critical health care capacity.
Kasunod nito, hindi pa masabi sa ngayon ni Vega kung ga-graduate na ba sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang Cebu City pagsapit ng July 16, 2020.
Sinabi ni Vega na ito ay pag-uusapan pa ng Inter-Agency Task Force on the Management of the Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID).