Muling pinalawig ni Pangulong Rodrigo Duterte hanggang July 15 ang umiiral na quarantine protocols sa Metro Manila at Cebu City.
Sa kanyang public address, sinabi ni Pangulong Duterte na ang Cebu City ay mananatili pa rin sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Bukod sa Metro Manila, nasa ilalim pa rin ng General Community Quarantine (GCQ) ang mga probinsya ng Benguet, Cavite, Rizal, Leyte at Southern Leyte, at mga siyudad ng Lapu-Lapu, Mandaue, at Ormoc.
Ang Talisay City sa Cebu Province na nasa Modified ECQ ay ibinaba na sa GCQ, kasama ang mga bayan ng Minglanilla at Consolacion.
Ang natitirang bahagi ng Cebu Province ay nasa ilalim ng Modified GCQ.
Ang mga lugar na nasa ilalim din ng MGCQ ay mga sumusunod:
Abra
Baguio City
Ifugao
Kalinga
Ilocos Norte
La Union
Pangasinan
Cagayan
Isabela
Bataan
Bulacan
Nueva Ecija
Pampanga
Angeles City
Batangas
Laguna
Quezon
Lucena City
Palawan
Puerto Princesa City
Albay
Camarines Norte
Camarines Sur
Naga City
Capiz
Iloilo
Iloilo City
Negros Occidental
Bacolod City
Bohol
Negros Oriental
Tacloban City
Western Samar
Zamboanga City
Zamboanga del Sur
Bukidnon
Misamis Occidental
Misamis Oriental
Cagayan de Oro
Davao del Norte
Davao del Sur
Davao City
Davao de Oro
Cotabato
South Cotabato
Agusan del Norte
Butuan City
Lanao del Sur
Maguindanao
Ang natitirang bahagi ng bansa ay nasa ilalim ng low-risk Modified GCQ.