ECQ sa Metro Manila, may maganda nang epekto; COVID-19 reproduction number, bumaba na sa 1.74 %

May nakikita nang magandang epekto ang OCTA Research Group, anim na araw matapos ang implementasyon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR).

Sa interview ng RMN Manila kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, may nakita na silang pagbaba sa COVID-19 reproduction number sa Metro Manila kung saan mula sa 1.80 na R-naught ay nasa 1.74 na ngayon.

Pero hindi pa masabi ni David kung magtutuloy tuloy na ang pagbaba ng COVID-19 trend, na isa sa magiging batayan kung palalawigin o hindi ang ECQ sa NCR.


Bukod sa R-naught, isa rin sa tinitignan ng pamahalaam sa pag-alis ng quarantine classification ay ang pagbaba ng health care utilization rate pero patuloy itong tumataas na ngayon ay nasa 70% na.

Facebook Comments