Posibleng palawigin pa ang umiiral ngayong Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR) dahil sa patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases.
Sa interview ng RMN Manila kay Department of Health Undersecretary at Treatment Czar Leopoldo “Bong” Vega, ibabase nila ang rekomendasyon sa Inter-Agency Task Force (IATF) kung magkakaroon ng ECQ extension sa projection o patuloy na pagdami ng nagpo-positibo sa COVID-19.
Ayon kay Vega, ngayong nasa limang araw na ng ECQ ang Metro Manila, pumalo na sa 2,000 per day ang active at new cases.
Base sa DOH, nasa “moderate risk” na ang health care utilization sa NCR, kumpara sa naitalang “low risk” noong isang linggo.
Facebook Comments