Tiniyak ng Department of Transportation (DOTr) na mananatiling operational ang transportasyon sa National Capital Region (NCR) kahit pa umiiral ang Enhanced Community Quarantine.
Ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade, ang guidelines ay aprubado ng Inter-Agency Task Force (IATF) kung saan pinapayagan na magpatuloy ang pampublikong transportasyon pero limitado lamang sa Authorized Persons Outside Residence (APORs).
Aniya, para sa mga pampublikong sasakyan tulad ng bus at jeep, papayagan ang 50% na kapasidad.
Ipagbabawal naman ang ‘standing passengers’ habang papayagan ang motorcycle taxi services and transport network vehicle services (TNVS).
Papayagan din ang mga bisikleta at electric scooter habang isang pasahero lamang ang maaaring isakay ng mga tricycle.
Magpapatuloy rin ang operasyon ng Light Rail Transit Lines 1 and 2 (LRT1 and LRT2) at Metro Rail Transit Line 3 (MRT) pero mahigpit na ipapatupad ang protocol.
Mananatili naman ang domestic flights at sea travel sa NCR.