Edad ng nabibiktima ng online sexual abuses, mas bumaba pa

Mas bumaba pa ang edad ng mga kabataang nagiging biktima ng online sexual abuse.

Ayon kay National Bureau of Investigation (NBI) Cybercrime Head Victor Lorenzo, nasa edad 12 ang pinakabatang kanilang nasagip.

Aniya, nitong nakaraan lamang nang masagip nila ang isang 13-anyos na ilang beses na nakipagkita sa suspek na nakilala lamang niya sa isang social media platform.


Aniya, ang mga kabataang kasing gumagamit ng social media ang pangunahin sa mga nagiging biktima ng nasabing pang-aabuso.

Dumami rin aniya ang bilang ng mga Pilipinong edad 20 pataas na nagiging suspek ng online sexual abuse kumpara sa dating parokyano na mga dayuhan.

Facebook Comments