Pangulong Duterte, hindi isinasantabi ang kampanya konta ilegal na droga

Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi isinasantabi ng pamahalaan ang kampanya konta ilegal na droga.

Ayon kay Duterte, daan-daang indibidwal pa rin ang naaaresto ng pulisya para sa mga kasong may kaugnayan sa ipinagbabawal na gamot.

Aniya, aabot kasi sa bilyon-bilyong kontrabando pa rin ang nakukuha sa mga naaarestong suspek.


Samantala, muling iginiit ni Duterte na handa siyang makulong kung may makitang pananagutan sa drug war ang kaniyang administrasyon.

Pero gagawin niya lamang ito kung ang korte sa bansa ang maghahatol sa kaniya at hindi ang International Criminal Court (ICC).

Facebook Comments