Eddie Garcia comatose pa din hanggang ngayon

359

Nasa kritikal na kondisyon pa rin ang beteranong aktor na si Eddie Garcia isang linggo matapos maaksidente habang nagtataping sa upcoming teleserye ng GMA 7.

Sa latest medical bulletin ng Makati Medical Center, comatose pa din si Manoy at nakakabit pa rin ang ventilator. Inoobserbahan pa rin ang blood pressure nito.


Nitong Biyernes, dumalo ang iba’t-ibang artista, kaibigan, at kamag-anak ni Garcia sa ginanap na healing mass sa St. Andrew the Apostle Parish, Bel-Air Makati City.

Kamakailan, nilinaw ni Dr. Tony Rebosa, family spokesperson at isa sa attending physician ni Garcia, ang balitang kumakalat na tatanggalin ang life support nito. Ayon sa kanya, pumayag ang pamilya ilagay si Manoy sa “do-not-resuscitate” (DNR) status.

Ngayong araw, muling maglalabas ng panibagong medical bulletin ang nasabing ospital.

Nagtamo ng severe cervical fracture ang batikang movie icon dahil ito ay napatid sa isang kable at tuluyang bumagsak.

Facebook Comments

From Advertisers