VIRAL: Politiko sa Pakistan, nag-livestream sa press con na may cat filter

62
Image via The Daily Star

Kinagaliwan ng mga netizen ang naging kinalabasan ng press conference ng Khyber Pakhtunkhwa, provincial government ng Pakistan, sa isang livestream sa Facebook kung saan ay di sinasadyang may cat filter ang mukha ni Shaukat Yousafzai.

Ayon sa isang netizen, “there’s a cat in the cabinet.” At ang isa ay nagsabing, “Shaukat Yousafzai looks like a cat – Meow meow meow.”


Narito ang ilan pang reaksyon mula sa mga netizen:

Agad namang pinaliwanag Yousafzai ang insidente at sinabing “The cat filter was turned on by mistake. Let’s not take everything so seriously.”

Nagbiro rin siyang hindi lamang siya ang cat filter. “I wasn’t the only one – two officials sitting along me were also hit by the cat filter,” dagdag niya.

Sa isang press statement naman na inilabas ng PTI social media team, sinabing hindi na mauulit ang ganitong insidente.

Dagdag nila, nangyari ito dahil sa “human error.”

Facebook Comments

From Advertisers