EDSA bawal daanan ng political convoy – MMDA

Hindi bibigyan ng permit ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga pulitikong planong gamitin ang kahabaan ng EDSA para mangampanya.

Ayon kay MMDA EDSA Traffic Czar Edison Nebrija kasabay nang pag-uumpisa ng campaign period para sa mga kumakandidatong senador at partylist group bukas kung saan inaasahan na ang kaliwa’t kanang motorcade.

Sinabi ni Nebrija hindi pwedeng ipatigil ang daloy ng mga sasakyan sa EDSA para lang bigyang daan ang political convoy.


Paliwanag nito kahit na huminigi pa ng permit ang mga pulitiko sa kanila ay hindi nila ito papayagan.

Giit pa ni Nebrija matindi na nga ang traffic sa EDSA ay dadagdag pa ang mga epalitiko isama pa ang lingguhang road reblocking.

Facebook Comments