EDSA bus carousel, mananatili ang dami kahit pa hindi na ito libre sa mga pasahero

Hindi babawasan sa halip mananatili sa kasalukuyang bilang ang mga EDSA bus carousel.

Ito ang sinabi ni Jason Salvador, Corporate Affairs and Government Relations Head ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa kabila na simula noong January 1, 2023 ay hindi na libre ang pasahe sa EDSA bus carousel.

Ayon kay Salvador, sa ngayon hindi pa masyado ramdam ang epekto ng no free ride sa EDSA bus carousel, pero naniniwala naman ang opisyal na agad makaka-adjust ang mga pasahero.


Malalaman aniya ang epekto ng no free ride sa EDSA bus carousel sa unang Linggo ng January para makagawa ng adjustment kung kinakailangan.

Sa huli, tiniyak na Salvador na handa pa rin ang PITX na pagsilbihan ang mga pasahero na nanggaling sa mga karatig lalawigan para maihatid sa kani kanilang destinasyon sa Metro Manila.

Una nang inihayag nang Malacañang na as of December 23, 2022, ang EDSA Busway ay sinerbisyuhan ng 751 Public Utility Bus units na pagmamayari ng 87 companies.

Facebook Comments