Mga bagong hire na empleyado ng PITX, palalawigin ang serbisyo kahit matapos na ang holiday season

Mananatili ang mga bagong hire na empleyado sa pagtatrabaho sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) kahit tapos na ang holiday season.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Jason Salvador, Corporate Affairs and Government Relations Head ng PITX na una nang nag-hire ng mga bagong empleyado ang PITX para makatulong sa pagbabantay o pag asiste sa mga pasahero sa loob ng PITX.

Ito ay dahil sa dagsa ng mga pasahero sa PITX nitong holiday seaspon.


Ngunit ayon kay Salvador, kahit bago pa man ang holiday season ay normal na tumataas ang pasahero sa PITX, sa katunayan nang magsimula ang ber months umaabot sa average na 120,000 ang pasahero kada araw.

Mataas ang bilang na ito ayon kay Salvador kaya mananatili ang mga bagong hire na empleyado ng PITX hanggang sa matapos ang holiday season.

Kailangan aniyang pagsilbihan ang dumaraming bilang ng mga pasahero sa PITX.



Facebook Comments