EDSA Busway, idinepensa ng Department of Transportation

Idinepensa ng Department of Transportation (DOTr) ang “EDSA Busway,” na tinatawag nilang tamang daanan para sa mga pampasaherong bus sa Metro Manila.

Kasunod na rin ito ng puna ni Senator Nancy Binay sa EDSA Busway na hindi aniya napapanahon at perwisyo lang sa publiko ang experiment ng DOTr kung saan pangalawa lang sa prayoridad ang public safety.

Sa interview ng RMN Manila kay DOTr Senior Consultant Engr. Alberto Suansing, binigyan diin nito na hindi na bagong konsepto ang busway na isa sa pinaka-epektibong mass transport system sa buong mundo.


Sa katunayan aniya ay mas magiging friendly para sa mga commuters, pedestrians at cyclists ang EDSA Busway sa pagpapatupad nito.

Sa ilalim ng EDSA Busway, ang dedicated bus lanes ay maililipat sa innermost mula sa dating outermost lanes, katabi ng Metro Rail Transit (MRT) 3.

Bukod sa EDSA, pinag-aaralan na rin ng DOTr ang pagkakaroon ng busway sa Commonwealth Highway.

Facebook Comments