Manila, Philippines – Dahil sa matinding problema sa trapiko, tatlong pangunahing kalsada sa Metro Manila ang ipinanukalang gawing one-way ni Samar Rep. Edgar Sarmiento.
Kabilang rito ang EDSA, C-5 road at Roxas Boulevard.
Sa ilalim ng panukala, magiging southbound superhighway na lang ang EDSA mula Caloocan papuntang Pasay.
Habang gagawing northbound highway ang Roxas Boulevard para sa mga sasakyan mula Pasay, Parañaque at Cavite.
Ang mga sasakyan naman galing Muntinlupa at Laguna papuntang Quezon City, Bulacan at Pampanga ang gagamit C-5 road.
Ipinanukala rin ni Sarmiento na alisin na nag mga bus terminal sa EDSA.
Giit ng mambabatas, mas okay nang gumawa ng aniya’y mga “drastic solution” kaysa malugi ang bansa ng tatlong bilyong piso araw-araw dahil sa problema sa traffic.