EDSA Carousel Bus Augmentation, ipakakalat sa MRT-3 kaugnay ng Holy Week maintenance shutdown

Ikinasa ng pamunuan ng MRT-3 at ng Department of Transportation (DOTr) ang isang EDSA Bus Carousel Augmentation Program na may layuning may masakyan ang mga regular na pasahero ng linya.

Ito’y sa gitna ng ipatutupad na maintenance shutdown ng rail line ngayong darating na Holy Week.

Ide-deploy ang mga Public Utility Bus mula ala-5:00 ng umaga hanggang alas-10:00 ng gabi sa Marso 30 hanggang Abril 4.


Tiniyak ni MRT-3 Director for Operations Michael Capati na may sapat na bilang ng mga bus na babiyahe para maghatid ng mga pasahero sa kanilang destinasyon sa ruta ng MRT-3.

Ipatutupad ang tigil-operasyon sa buong linya ng MRT-3 upang magbigay-daan sa taunang masinsinang maintenance rehabilitation activities ng rail line.

Kabilang sa mga aktibidad na ito ang pagpapalit ng mga turnouts, paglalagay ng mga point machine at pagkakabit at realignment ng mga CCTV unit sa mga istasyon ng linya.

Magbabalik-operasyon ang MRT-3 sa publiko sa Lunes, Abril 5.

Facebook Comments