Education sector, nakapagtala ng mataas na bilang ng nawalan ng trabaho batay sa March 2021 Labor Force Survey

Sa kabila ng pagbaba ng bilang ng mga Pilipinong walang trabaho batay sa March 2021 Labor Force Survey, isa sa pinakamatinding tinamaan ng kawalan ng trabaho ay ang sektor ng edukasyon.

Ayon kay Usec. Dennis Mapa, Philippine Statistics Office National Statistician, nasa 248,000 mula sa education sector ang nawalan ng hanapbuhay.

Bunsod naman ito ng pagsasara ng ilang mga eskwelahan at pagbabawas ng mga empleyado ng ilang kolehiyo at unibersidad.


Kabilang din sa sektor na nawalan ng trabaho ay ang sektor ng transportasyon , services activities, human and health activities, information and communications sector.

Facebook Comments