Manila, Philippines – Nilinaw ng Department of Social Welfare andDevelopment (DSWD) na wala silang anumang scholarship program para sa mgamahihirap na estudyante.Ayon kay DSWD OIC Emmanuel Leyco, hindi nila mandato para magpatupad ngscholarship programs pero nagbibigay sila ng educational assistance paramatulungan ang mag-aaral sa kanilang school-related expenses.Ito ay aniya sa pamamagitan ng Assistance to Individuals Crisis Situation(AICS) na bahagi ng protective services program ng ahensya.Ang mga kwalipikadong estudyante ay maaring ma-avail ang educationalassistance sa pamamagitan ng pagpapakita ng kanilang assessment form,certificate of enrollment at registration para sa kasalukuyang schoo year,valid ID at barangay certificate of indigency.Para sa elementary at high school students, maibibigay lamang ang ayudatuwing enrollment period habang ang mga nasa kolehiyo ay maaring humingi ngayuda kada semester.Para sa second semester 2017-2018, aabot sa 5,000 indigent students anginaasahang makakatanggap ng 3,000 pesos.Bibigyan din ng prayoridad ang mga indigent students na walang scholarshipgrant at hindi pa nakakapag-avail ng educational assistance mula sanakaraang semester.
EDUCATIONAL ASSISTANCE LANG | DSWD, nilinaw na wala silang ipinatutupad na scholarship program para sa mga mahihirap na estudyante
Facebook Comments