Educational Tour ng Best Link of the Philippines, walang pahintulot ng Commission on Higher Education

24

MANILA, PHILIPPINES – Walang koordinasyon sa Commission on Higher Education (CHED) ang Best Link College of the Philippines hinggil sa isinagawa nilang educational tour sa Tanay, Rizal kahapon.

 

Sabi ni CHED Commissioner Prospero De Vera, batay sa inisyal na report sa kanila ng CHED-NCR, walang record na nagpapakita na nagsumite ng sulat sa CHED ang Best Link College na isang requirement para sa educational tour.

 

Samantala, nilinaw ni De Vera na ang ipatutupad na moratorium sa educational tour ay hindi pagpapakita na walang makukuha sa mga ganitong uri ng aktibidad.

 

Gusto lang aniya ng CHED En Banc na busisiin ulit ang polisiya para matiyak na ligtas ang mga estudyante habang nasa educational tour.




Facebook Comments