Bus Tragedy na ikinamatay ng 15 katao, iimbestigahan na rin sa Senado

2

MANILA. PHILIPPINES – Iimbestigahan na rin ng Senate Committee on Education ang bus tragedy na ikinasawi ng labing lima katao kabilang na ang labing tatlong estudyante.

 

Ayon kay Senator Bam Aquino, chairman ng komite – aalamin nila kung ano ang mga reporma o panuntunan na dapat pairalin para maiwasang maulit ang trahedya sa out-of-school activities ng mga paaralan.

 

Sabi naman ni Senator Grace Poe, Chairperson ng Committee on Public Services, bukod sa field trips ay gusto rin nilang masilip sa Senate investigation ang anggulong pagpapahintulot sa mga bus na makapag-renew ng prangkisa kahit mahigit 15 taon na ang tanda ng sasakyan.

 

Nais din aniya nilang malaman kung may mga safety features ang mga bus at kung may sapat na experience ang mga driver.

 

Sa susunod na Linggo o susunod na dalawang linggo posibleng masimulan ng senate Committee on Education ang naturang imbestigasyon. 




Facebook Comments