Edukasyon kontra iligal na droga, pinalalakas pa ng Manila City government

Manila, Philippines – Mas prayoridad ngayon ng Manila City government na palakasin ang programa nito sa edukasyon kontra iligal na droga, sa kabila ng patuloy na pagtaas ng bilang ng napapatay ng Manila Police District na umaabot sa mahigit 20 sa kamakailan sa tuloy-tuloy na kampanya nito kontra iligal na droga.

Ayon kay Manila Mayor Joseph Erap Estrada, layon ng programang Drug Abuse Resistance Education o DARE na ilayo ang kabataan sa pagkalulong sa iligal na droga at masasamang bisyo sa murang edad pa lamang.

Paliwanag ng alkalde, ang DARE ay isang programa na mula sa Amerika kung saan nagsisilbing guro ng mga pulis o sundalo na siyang nagtuturo sa mga Grades 5 at 6 na mga mag-aaral kung papaano umiwas sa mga bisyo, lalo na sa iligal droga.


Naniniwala ang alkalde na maiiwasan sana ang maraming patayan kung ang mga suspek ay naturuan ng tama hinggil sa masamang epektong idudulot ng iligal na droga.

Ikinatuwa naman ng mga magulang at mag-aaral ang naturang hakbang ng Manila City government dahil malaking tulong umano ito upang mapigilan ang mga kabataang gumagamit sa iligal na droga.

Facebook Comments