Isang tatay sa London, naka-imbento ng cellphone application na ma-oobliga ang mga receiver na sagutin ang tawag or text

195

Panghimagas – Isang 45 years old na tatay ang nakaisip ng bagong application sa cellphone na mao-obliga ang mga anak o kahit sinong parte ng pamilya na sumagot sa tawag o sa mga text messages.

Ang reply asap na brilliant mind ni Nick Herbert kung saan naisip niya ang ganitong paraan matapos na mabilhan nila ng cellphone ang 13-anyos na anak na lalaki.

Sa app din na ito, mag-aalarm at hindi titigil ang cellphone ng receiver kaya’t kailangan niya itong sagutin.


Malalaman din sa app na ito kung nabasa o natanggap na ang mga messages at kung naka-silent or naka-off ang cellphone.

Sa ngayon, magagamit ang naturang app sa android phones at umaasa si nick na magiging available ito sa apple store para sa mga gumagamit ng iphone.

Facebook Comments