Manila, Philippines – Inaprubahan na sa Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala para sa early voting ng mga senior citizens at person with disabilities (PWDs) tuwing halalan.
Sa House Bill 5661 na inihain CIBAC PL Rep. Sherwin Tugna, Chairman ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms, mas magiging madali at convenient para sa mga senior citizens at mga may kapansanan ang pagboto tuwing halalan, mapa-national o local election man ito.
Mas mapapaaga ang petsa ng voting ng mga senior citizens at PWDs kapag eleksyon at magtatalaga ng mga accessible polling precincts na para lamang sa mga ito.
Dapat tiyakin ng estado na hassle-free ang pagboto ng mga matatanda at mga may kapansanan.
Makakatulong ito para tumaas ang bilang ng turnout votes sa halalan sa mga nabanggit na sektor.
Sa kabuuan ay may 323, 210 na PWDs at 7,369,735 senior citizens ang rehistradong botante mula pa noong August 2016.
DZXL558, Conde Batac