Efficacy ng Pfizer vaccine sa mga batang edad 5 hanggang 11-taong gulang, aabot sa 90-percent ayon sa FDA

Aabot sa 90.7 percent ang nakikitang bisa ng Food and Drug Administration (FDA) sa bakuna ng Pfizer para sa mga batang lima taon hanggang 11-taong gulang.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni FDA Director General Eric Domingo na inaalam na ng Vaccine Expert Panel kung ilang linggo ang kailangang maging pagitan sa dalawang dose ng bakuna ng Pfizer para sa mga bata.

Batay kasi sa pag-aaral sa ibang bansa tulad ng US, Europe, at Canada ay nasa tatlo hanggang apat na linggo ang pagitan bago iturok ang ikalawang dose sa 5 hanggang 11-years old na age group.


Ayon kay Domingo, parehong mRNA ang active ingredient ng Pfizer vaccine sa mga batang nasa ganitong age group, pero dahil mas bata ay mas konti lang ang ibibigay na concentration per Mililiter (ML) sa mga ito.

Pagdidiin ni Domingo na prayoridad pa rin ng mga eksperto ang kaligtasan ng mga bata sa epekto ng COVID-19 vaccine.

Facebook Comments