Efficacy ng Sputnik V, tumataas kapag mas matagal ang interval ng pagtuturok ng 2nd dose

Walang dapat na ikabahala ang mga naturukan na ng Sputnik V sa kanilang first dose sa inaasahang pagka-delay ng component II ng bakuna.

Matatandaan na inanunsyo ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., na bahagyang made-delay ang dating ng nasa 50,000 doses ng Sputnik V sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, base sa naging komunikasyon ng Gamaleya sa bansa, mas tumataas pa nga ang efficacy ng kanilang bakuna kung mas matagal ang interval o pagitan ng first at second dose ng bakuna.


Sinabi ng kalihim na halos kapareho na rin ng AstraZeneca ang Sputnik, na mas ideal ang 12 linggong agwat ng una at ikalawang bakuna.

Hinihintay lamang aniya na mabigyan ng pormal na notice ang Food and Drug Administration (FDA) upang mabago o maamyendahan ang kanilang Emergency Use Authorization (EUA).

Facebook Comments