Manila, Philippines – Mga OFW sa Northern Sinai Egypt, pinaiiwas ng DFA na gumala sa matataong lugar doon.
Mahigpit na pinaalalahanan ni DFA Secretary Allan Peter Cayetano ang mga OFW Pinoy na iwasan muna na gumala o pumunta sa mga matataong lugar Northern Sinai Egypt.
Ang babala ni Cayetano ay kasunod ng pagpapasabog sa Mosque ng mga teroristang ISIS sa Egypt kung saan 305 katao ang nasawi pero sa kabutihang palad wala namang mga OFW na Filipino ang nadamay sa pagpapasabog.
Mariing kinundena ni Cayetano ang naturang pagpapasabog na tinaguriang pinaka malagim na pag-atake ng mga terorista sa kasaysayan.
Una rito pamasok sa Mosque ang mga teroristang ISIS at pinaulanan ng bala ang mga nagdarasal pagkatapos ay nagpasabog pa ng bomba at iniharang ang apat na sasakyan upang hindi makalabas ang mga sibilyan sa loob ng Mosque.