Eid Al Fitr, nakatakdang ipagdiwang sa Linggo, May 24, 2020 BARMM executive

Inanunsyo ni Bangsamoro Grand Mufti and Darul-Ifra Executive Director Abu Hurarira Udasan na ipagdidiwang sa Linggo, May 24, 2020 ang Eid al-Fitr.

Ang Eid al-Fitr ay hudyat ng pagtatapos ng banal na buwan ng Ramadan sa Islam.

Ayon kay Udasan, hindi nakita ang buwan nitong buwan nitong biyernes ng gabi kaya ang 30 araw na pag-aayuno ay kailangan nang matapos.


Sa pagdiriwang ng Eid al-Fitr, ang mga muslim ay magtitipon sa open spaces para sa congregational prayer at thanksgiving, pero ngayong taon ay inaasahang iba ang mangyayari lalo na at karamihan ng mga Mosque ay sarado bunsod ng COVID-19 pandemic.

Bago ito, ang Regional Darul-Ifta-BARMM ay pinayuhan ang publiko na isagawa ang Eid prayers sa kanilang mga bahay.

Matatandaang idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang Regular Holiday ang May 25, 2020 para sa Eid’l Fitr.

Facebook Comments