Eidl Fitr, kailangan pa ring ipagdiwang sa kabila ng kaguluhang nangyayari sa Marawi

Manila, Philippines – Mabigat man sa loob, pero kailangan pa ring ituloy ang pagdiriwang ng Eidl Fitr ngayong taon.

Ayon kay Lanao Del Sur 1st District Assemblyman Zia Alonto Adiong, matagal na nilang ipinagdiriwang ang Eidl Fitr at kailanman ay hindi ito nabulabog ng mga terorista.

Aniya, ito na ang pinakamalungkot na pagdiriwang nila ng Eidl Fitr.


Giit pa ni Adiong, nakakalungkot din dahil hindi man lang makakapagsalo-salo ang mga pamilya sa pagtatapos ng Ramadan bukas.

Ang paggunita ng Eid’l Fitr ay hudyat ng pagtatapos ng isang buwan na Ramadan.

Kasabay nito ay kinondena rin ng mga taga-Maranao ang ginawang pananalakay ng mga local terrorists.

Kaugnay nito, kaninang alas-6:30 ng umaga ay nag-umpisa ang dasal kung saan sa kapitolyo nagtipon-tipon ang mga Maranaw para gunitain ang Eidl Fitr.

Pagkatapos ng dasal nagsalo-salo rin ang mga ito sa mga inihandang pagkain ng Lanao Del Sur Provincial Government.

Facebook Comments